Chin Pamintuan | Bummer | Straight-faced | Apathetic
Carpe diem, baby!
Masyado kasi akong nageexpect kaya ayan tuloy ako tuloy yung nasasaktan sa huli. Hindi ko pa maamin sa sarili ko na yun na ang nararamdaman ko para sayo kasi takot ako sa consequences. Baka di ko kayang panindigan. Kaya sa huli ako itong nasasaktan kasi hindi ko talaga masabi sabi sayo. Naiinis ako sa sarili ko kasi duwag ako. Pasensya na kung boring akong kasama, wala lang talaga ako masabi minsan pag kasama kita.
Ay, oo nga pala. Hindi pala ako ganun kaimportante ng tulad sa inaakala ko. Balewala din naman sayo ‘to, baka nga hindi mo isipin na ikaw ‘to e. Bahala na. Sinasabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ‘tong nararamdaman ko pero tuwing nakikita kita e bumabalik lahat. Nakakainis. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Masyado ka kasing sweet, nakakainis, kaya ayon. Ako naman si dakilang assumero. Dapat talaga mamatay na ang mga assumero sa mundo no? Wala naman siguro sayo kung mawala na ako.
Teka, parang sobra na yata yon.
Hindi mo alam kung gaano kalaki ang epekto mo sa buhay ko. May mga desisyon ako sa buhay na isinaalang-alang ko kung matutuwa ka ba o hindi. Nakakaasar, ikaw pa ang nagiging basehan ng mga desisyon ko sa buhay. Masyado na yata akong naging attached sayo, ang hirap na tuloy kumawala.
Kasalanan ko din naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito, hindi ko rin naman kasi kayang sabihin sayo ang nararamdaman ko. For example, may mga sinasabi ka, kung sa akala mo e wala lang, pero deep inside umiiyak na ako. Hahahahaha. Basta, sobrang ang laki laki ng epekto mo sa buhay ko.
Urong-sulong ang drama ko sa buhay dahil sayo. Minsan, sasabihin ko sa sarili ko, ‘Sige, gusto na talaga kita.’ Pero may mga araw naman na magpaparealize sa akin na dapat ko ng tigilan ang nararamdaman ko para sayo. Ang gulo gulo gulo ng feelings ko, nakakainis.
Lecheng pag-ibig talaga oh. Gusto kong magalit, sa sarili ko, sayo, pero hindi ko kaya. Ayaw kong mapalayo ka sa buhay ko.
Okay masyado na ‘tong personal at talagang pinost ko pa sa Tumblr pero wala na akong pakialam. Basta nailabas ko ang damdamin ko na pilit kong pinipigilan ng matagal. Sana mabasa mo ‘to. Nang sa gayon ay malaman mo din ang mga matagal ko ng gustong sabihin sayo pero hindi ko kaya.
Goodnight. :3
(Source: toastedneurons)